By M. V. Asuncion

Iba talaga ang simoy ng hangin pag pasok ng buwan ng Disyembre. Ang lakas, lamig at dampi nito sa katawan ay tunay na nagbabadya na papalapit na ang Pasko.

Hindi lang ang hangin ang nag-iiba. Pati ang kapaligiran, na sumisigla dahil na rin sa mga palamuting pampasko at patay-sindi na ilaw.

Masaya ang kapaligiran. Dalawang selebrasyon, pista na, Pasko pa. Inaabangan ang mga gabi-gabing palabas sa Baywalk at siempre, ang pagbubukas ng higanteng X’mas tree. Sa kapitolyo naman, inaabangan ang pagbubukas ng Christmas Animated Display at ng mga Xmas trees sa loob ng compound nito. Mga Xmas parties at exchange gifts para naman sa mga iba-ibang opisina.

Sa Pilipinas lang marahil ang maypinakamatagal na selebrasyon ng Kapaskuhan. Isang buwan, 2 linggo. Sa ibang bansa, lalo na sa mga mayayaman na bansa, isang araw lang ito. Mismo sa araw ng Disyembre 25 lamang itinatakda ang non-working day.

Matagal man o maiksi ang selebrasyon, nasa sa atin yan. Nasa sa atin kung simple lang o magarbo ang pagdiriwang natin ng kapaskuhan. Ang pinaka mahalaga sa pagdiriwang ng Pasko ay ang pagkakaisa at pagmamahalan ng bawat-isa at ng ating pamilya.

Kung paano ipapakita itong pagmamahalan ay iba na ring istorya yan….

—0—

Ang Kapaskuhan ang kadalasan ay pinupuntirya ng mga may masasamang-loob. Tumataas ang kriminalidad. Dito lang sa ating lunsod ilan na ang nabalitang nilooban ng mga magnanakaw. Marami ng kaso, ang ilan pa nga ay first-time nating nabalitaan dito. Lumalakas na kaya ang loob o talagang ganito na kahirap ang panahon.?

Wala ng pinipili sa ngayon na bibiktimahin. Mapamahirap o nakaka-angat sa buhay. Mainit sa mata ng mga magnanakaw ang mga maliliit na mga gadgets tulad ng cell phones, mga MP4, digital cameras, at ang all-time favorite na alahas. Madali kasi ang mga itong idispatsa. Kaya, ingat talaga.

Pag-iingat din ang dapat gawin natin sa mga nangingikil dahil Pasko. Posibleng gumawa nito ang mga nasa pampublikong serbisyo. Pati na nga ang ilan sa mga tricycle drivers na nais kumita ng malaki ay maniningil ng sobra lalo na sa mga ina-arkila. Meron din na mga nangingikil para kuno sa kanilang xmas party. Puedeng in kind o kaya cash.

— 0 —

Konting hinay-hinay din sa pagkain ngayong Pasko. Sabi ng health experts, tumataas daw sa panahon na ito ang mga inaatake sa puso at hypertension. Ito ay dulot ng dami ng masasarap na pagkain na maaalat, matataba, at matatamis. Payo nila, bantayan ang sustansiya ng pagkain nang di mapinsala ang mga sistema ng katawan lalo na ang puso.

Social Markers

add to del.icio.us :: Add to Blinkslist :: add to furl :: Digg it :: add to ma.gnolia :: Stumble It! :: add to simpy :: seed the vine :: :: :: TailRank