By Ruth T. Rodriguez

HINDI NA talaga mapipigilan ang pamamayagpag ng career ni Dante Nico Garcia sa larangan ng movie directing, dahil matapos ang tagumpay ng pagdi-direk niya ng “Ploning” na naging official entry ng Pilipinas sa 2009 Oscars, ngayon ay in demand naman si Dante or “Ga” (para sa amin na mga kaibigan) sa telebisyon. Isang napakalaking proyekto sa TV ang kanyang ginagawa ngayon, at ito ay ang mag-direk ng TV Special ng GMA News & Public Affairs na nakatakdang ipalabas sa Sept 28.

Dante Nico Garcia: Palawan’s pride, Cuyo’s own son.

Ayon kay Ga, isang malaking karangalan sa kanya ang trust and confidence na ibinibigay ng GMA 7 sa kanya lalo na isang malaking project ito sa TV. Masayang-masaya si Ga sa special treatment na ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network.

Nakatakdang umalis patungong USA si Ga sa September 26 para sa screening ng kanyang unang directorial job na Ploning. Kanyang iikutin ang L.A. para sa patuloy na kampanya ng Ploning lalo na sa mga Filipino community doon. Magtatagal siya hanggang mid-November. Sa kanyang pagbalik nakatakda naman na simulan ni Ga ang kanyang pangalawang pelikula ang Mrs. Recto na pagbibidahan ni Eugene Domingo.

Masaya ding ibinalita ni Ga na nakatanggap sila ng dalawang invitation mula sa New York Film Festival para sa New Director Category at Palm Springs Film Festival. Ang screening sa dalawang film fest na ito ay gagawin sa January 2009 at sa halos 80 countries ang pagpipilian kabilang ang Ploning.

Wow, ang bongga mo direk! Kaya ang masasabi ko lang more power and God Bless! We are so proud of you!

Ex-ST queen visits Puerto as successful councilor

Do you still remember Cristina “Kring-Kring” Gonzales? The super sexy, blonde-haired actress who was popular during the 80s in sexy and tittilating films?

Well, she’s here recently to visit Puerto Princesa as a highly-urbanized city. Siya ay isa ng matagumpay na konsehal ng bayan ng Tacloban. She’s now Mrs. Romualdez, married to the mayor of Tacloban. Ang taray, di ba? She was so impressed by the leadership of Mayor Hagedorn at nalaman niya ang mga magagandang ginawa nito sa Puerto Princesa sa kanilang Lakbay Aral. Hindi na siya um-appear sa tv and movies, pero nananatili siyang maganda at fresh na fresh.

Wowowee sa Puerto Princesa sa October 11

Bongga ang birthday celebration ni Mayor Ed, kasi ba naman none other than Willie Revillame and the whole gang of Wowowee will come to Puerto Princesa to celebrate with him. Ang daming nangyayari sa lungsod natin na maganda at tuloy-tuloy talaga ang pamamayagpag din nito. Happy Birthday in advance, Mayor. Bawal ang mga buntis at batang below 6 years old sa venue for security reasons. Wag naman sana tayong pasaway, ha. Sundin ang mga dapat gawin para makapanood ng matiwasay. Tumutok sa Showbiz, Tsika at Iba pa para sa ibang detalye.