By Ruth T. Rodriguez

WEEKEND WAS again busy with Miss Earth candidates visiting the “City in a Forest” for their swimsuit competition, which was held at Sitio Sabang, Barangay Cabayugan. Guess what, their pictorial was done inside the world famous underground river cave. Yes, sa loob sila ng underground nag-pictorial, bongga diba?

Bago pa sila pumunta ng Sabang ay nauna na silang nasilayan ng mga taga-Puerto Princesa dahil sa motorcade na kanilang isinagawa sa mga main street.

30 candidates from around the globe ang dumating sa lungsod for the swimsuit competition. Binisita din nila ang Cabayugan Elementary School para sa kanilang Adopt-A-School program.

Miss Earth is a beauty pageant for a cause that has a big concern for the environment. Ang coronation night will be held at Clark Expo Ampitheather in Pampanga on Nov 9 and it will be aired over ABS-CBN 2.

Dulce’s short visit in Puerto Princesa

Isang malaking privilege ang ma-imbitahan sa isang private birthday party na ang special guest ay ang Asia’s Diva na si Dulce. First time ko na makita in person at mapanood si Dulce at isang napaka-gandang gabi iyon hindi lamang sa akin kundi sa lahat ng mga nasa private party.

Hindi alam ng mga bisita na may magaling na singer na kakanta para sa kanila, kaya nagulat ang lahat when I introduced Dulce. Even the birthday celebrator was surprised.

Isang total performance ang ibinigay ni Dulce. She was like performing to a real big concert crowd. Siyempre kinanta niya ang ilan sa kanyang mga signature song, like Maalaala Mo Kaya at Memory na nagpapanalo sa kanya sa Asia Pacific Singing Competition noong 1988. Wow, super panalo talaga ang performance niya that night!

Dulce was known as “Theme Song Queen” noong 70s dahil siya ang paboritong pakantahin ng mga theme song ng pelikula.