By Ruth T. Rodriguez

ANG REIGNING Mutya ng Palawan at Miss Puerto Princesa City 2007 na si Cresta Feya Medez at ang Mutya ng Palawan 2005 na si Jonavie Raiza Quiray ang mula dito na kasama sa 25 finalists ng Mutya ng Pilipinas 2008, ito ang inihayag ni Gigi Lumauag ang vice-chairman for operations ng Mutya ng Palawan 2008.

Sina Quiray at Medez ay masusing dumaan sa screening ng Mutya ng Pilipinas. Sina Medez at Quiray ay kapwa maglalaban sa Mutya bilang isang indibidwal at hindi bilang representante ng Palawan at Puerto Princesa. Kabilang sa mga acitivites na gagawin ng mutya ay ang pagtatanim ng puno sa Irawan at mangrove planting, nakatakda din nilang bisitahin ang magagandang tourist spots ng Lungsod kasama dito ang pagtungo sa pamosong underground river. Ang swimsuit competition ng Mutya ng Pilipinas ay gagawin sa Dos Palmas Resort at ang Coronation Night naman ay sa December 7, 2008 sa City Coliseum.

Isang exciting at espesyal na Mutya ng Pilipinas ang mapapanuod ngayong taon dahil bukod sa 40th year nila ito ay sa isang napakagandang Lungsod ng Puerto Princesa City ito gaganapin na akma sa kanilang temang “Mutya ng Pilipinas goes Clean and Green.” At mga naglalakihang artista naman diumano ang nakatakdang dumating upang makibahagi sa national pageant na ito na first time mangyayari sa lungsod.

Diether Ocampo, now a Kapuso?

Yes! Tama po ang nabasa niyo. Tuluyan na ngang nakumpirma ang matagal ng blind item na isang malaking actor ng Kapamilya network ang nakatakdang mangibang bahay. Isang 4-year contract ang pinirmahan ni Diet noong Lunes, November 17, ayon sa naisulat. Huwhaaat, ka-heart na at di na ka-family si Papa Diet?! Nakatakdang gumawa ng isang Koreanovela si Diet bilang unang project as Kapuso star kung saan makakasama niya ang mga dati ring kapamilya na sina Jean Garcia, Eula Valdez at Richard Gomez. May gagawin din diumano siyang movie under GMA Films at mga hosting job. Hanggang sa sandaling ito ay hindi pa din nagbibigay ng kanyang official statement si Diet tungkol sa dahilan ng kanyang paglipat. Maituturing na isang malaking decision ito para kay Diet dahil isa siya sa mga big stars at home-grown talent ng ABS-CBN. Huh! Well, kung ano man ang reason ni Diether ay malamang pinag-isipan niya ng maraming beses.

Ploning receives P2.5M support from Phil government

P2.5 milyon ang ibibigay ni President Arroyo at ng Film Development Council of the Philippines para sa kampanya ng pelikulang Ploning sa Oscars. Ito ay makakatulong upang lalo pang umingay at mapansin ang pelikula.

Ploning Director Dante Nico Garcia, who just came back from Los Angeles, California reported that many Filipinos in L.A. have been generous enough to offer help for the promotion of the film. But according to him this help is not enough to catch the attention of the Academy’s jurors; that is why the hiring of a reliable and highly recommended PR company like Murray Weissman and Associates is very important to make the film highly visible.

Though the government and FDC are helping, the film is still in need of a lot of money for the promotions of the film in Oscars. The group of Director Garcia and his friends are organizing celebrity auctions to raise more funds.