By Ruth T. Rodriguez

CONGRATULATIONS TO our very dear friend, Direk Dante Nico Garcia (Direk Ga), for winning the Best Director (for Ploning) at the Asian Festival of First Films .

Direk Ga has proven himself to be a good director sa unang pelikula na kanyang dinirek, at ito nga ay Ploning.

Proud tayo, of course, because Direk Ga is from Cuyo, Palawan. Tignan mo nga naman kung saan na nakarating ang kanyang pelikula. Now, he’s busy sa pag-promote ng Ploning for the Oscars, and let’s pray that maganda ang mangyari doon for him and Judy Ann Santos.

Excited na si Jonavie

Kawawa naman si Jonavie Quiray, ang ating reigning Mutya ng Pilipinas-International. Dahil siguro sa sobrang pagod ay nagkasakit na ito ng trangkaso.

Sana ay gumaling na siya at ng makapag-umpisa na siya sa kanyang official functions.

Right after winning the Mutya, Jonavie excitedly told us that she’s ready to work and fulfill her duties. Masayang-masaya siya sa kanyang pagka-panalo dahil proud siya na this time, taga-Puerto Princesa naman ang Mutya.

Again, congratulations! Payo lang namin, huwag magpabaya kung gustong may marating ang career.