By Ruth T. Rodriguez

THERE’S NO doubt that Jonavie Ryza Quiray deserves to be the Mutya ng Pilipinas-International 2008. We did not only find her charming, we also found her to be candid and game enough to answer even our forthright questions.

Your Stargazer, of course, would not let go of the chance to be the first to interview Jonavie, whose use of the polite words “po” and “opo” made us respect her more, not just as a pretty face and a beauty queen, but as a woman.

The following are parts of my conversation with the woman who made a historical milestone as the first ever Palaweña who won a national crown.

3064988318_c60eb0913a

Ruth: Ilan kayong magkakapatid?

Jonavie: Four. Three boys, and I’m the youngest and the only daughter of Dr. Victorino Quiray and Mrs. Josephine Quiray.

Ruth: Ah, okay. Taga-saan ka talaga? Where do you reside?

Jonavie: Narra, Palawan. I grew up in Narra, but we moved here four years ago and became a resident of Puerto Princesa.

Ruth: So, nag-elementary, high school…

Jonavie: Elementary and high school in Narra. Narra Pilot School and San Francisco Xavier College.

Ruth: Nag-college ka dito na sa Puerto?

Jonavie: High school po iyon. Then college sa Palawan State University na.

Ruth: Ano talaga ang dream sa iyo ng parents mo?

Jonavie: To be a successful architect and also a beauty queen and model. (Laughs)

Ruth: Ay, talaga palang ganoon?

Jonavie: Kasi actually, after ng architecture na course, plan ko pa mag-interior designing… kumuha ng interior design na course.

Ruth: Since you’re the youngest and only girl, are you spoiled?

Jonavie: Hmmm… siyempre (giggles). Hindi ko na kasi mababago iyon. (Laughs) My brothers are talagang taking care of me. And iyong mom ko, she became my sister, nurse, my lawyer pa, my best friend, everything.

Ruth: Love na love ka pala ng family mo. Anong reaction nila noong nanalo ka. What was the feeling that night na iyong mom mo was there, and your brothers…

Jonavie: Noong hindi pa ina-announce iyong winner, kinakabahan talaga sila. Nakapikit na sila (laughs) kung ako iyong tatawagin. And then noong finally tinawag ako, super saya nila, super ang excitement nila kasi nga ako iyong na-crown. I’m happy that they’re proud of me, and I’m glad that they are my parents.

Ruth: (Goes for a killer question) May boyfriend ka?

Jonavie: (Smiles) Ahm… meron.

Ruth: Siya ba iyong nakikita ko na parating kasama ng dad mo?

Jonavie: Kasi supportive siya noong nag-join ako.

Ruth: Ok, sige huwag na nating tanungin kung sino. Kasi nakita ko siya noong tinawag ang name mo. Hindi ko alam na boyfriend mo, in-assume ko lang. But then noong nanalo ka, tinawag na ang name mo, tinignan ko siya at talagang lumukso talaga siya sa kanilang inuupuan.

Jonavie: Ay, talaga po? Hindi ko po makita doon sa stage. Hinanap ko nga po sila noong Coronation Night sa audience… ay sobrang dami po talaga ng tao, abot na sa upper box.

Ruth: Anong masasabi mo doon sa reaction ng boyfriend mo? What can you say about him?

Jonavie: Hindi naman ako nag-e-expect na magiging supportive pala siya. So, happy din ako na nag-ano din siya… nanood din siya (smiles). That he’s very supportive of me.

Ruth: What did your family say noong mayakap ka nila, after you got the crown?

Jonavie: Sabi nila (laughs) ang galing-galing ko daw. Kinakabahan pa rin daw ako pero noong nag-Top 10 na, pinakita ko na daw iyong talagang galing ko, iyong confidence ko sa pag-rampa at saka sa pagsagot.

Ruth: Simula pa lang ba alam mo ng mananalo ka?

Jonavie: I didn’t consider it as a competition kasi. Parang experience lang na ma-meet ko rin iyong girls from other places in the country… iyong ganoon lang. Nag-enjoy lang ako, inisip ko lang na experience lang ito, pero siyempre I prayed hard for the crown din.

Ruth: Ikaw ba noong bata ka pa alam mo na kaagad na maganda ka?

Jonavie: Hindi (laughs).

Ruth: When did you realize that you’re beautiful?

Jonavie: Ah, noong Mutya ng Palawan 2004.

Ruth: Sino ang unang nagsabi sa iyo na maganda ka maliban sa parents mo?

Jonavie: Iyong mga friends ko po. High school and elementary friends ko ang nagsabi na maganda daw po ako. And then sabi ko, magaganda rin naman kayo. Maganda naman tayong lahat. Lahat naman po ay may kanya-kanyang beauty. Pero sabi po nila maganda daw po ako inside and out. It’s a blessing for me.

Ruth: Ano ang feeling mo noong finally tinawag ang name mo?

Jonavie: Relaxed na at hindi na kinakabahan. But I was surprised, sobrang nagulat talaga ako at masaya na nanalo nga ako. Nagpapa-salamat ako sa lahat ng mga taong sumuporta sa akin to be able to win the Mutya crown.

Ruth: What about your responsibilities? Naisip mo na ba what your responsibilities will be?

Jonavie: Naisip ko din na madami na akong responsibility, hindi puwedeng pa-easy, easy lang ako. Naisip ko din that I have to do my best, to do my part so I can make the people of Puerto Princesa proud, including the province. Dapat hindi ako pabaya sa duties and responsibilities ko. Nasabi ko nga na as a beauty queen, I have to do my best. What I meant saying that was, I have to do my part as a beauty queen.

Ruth: Who are the people you want to thank?

Jonavie: First, our honorable Mayor Edward S. Hagedorn, and then the councilors, the people of Puerto Princesa and all the Palaweños, especially my family.

Ruth: Since Mutya ng Pilipinas-International ka na, maraming doors ang ma-o-open sa iyo. Madami talaga… handa ka na bang pumasok ng showbiz, modeling, at iba pa? At siyempre maraming boys?

Jonavie: (Smiles) Ah… siguro… prepared na po ako sa modeling, pero sa pag-aartista, hindi ako sure kung makakaya ko ang pagiging artista dahil alam naman po natin na sa industriya ng showbiz ay maraming intriga at maraming mga tsismis. So hindi ako sure kung kakayanin ko at kung makakapasok din ako sa showbiz.

Ruth: Pero open ka?

Jonavie: Open naman po… siguro… ahm… hosting or guesting… hindi po iyong mga sexy roles.

Ruth: Sabi mo kanina, ambisyon ng parents mo na maging architect ka, maging model and beauty queen. Ito rin ba ang gusto mo?

Jonavie: Noong na-realize ko na maganda nga ako (laughs) , naisip ko na gusto ko ring maging beauty queen. Pag-nakikita ko na sina Ms. (Lara) Quigaman, sila Ruffa Gutierrez, nasabi ko sa sarili ko na puwede rin akong maging beauty queen someday.

Ruth: Ano iyong pinaka-masarap sa pagiging beauty queen?

Jonavie: Siyempre iyong pinaka-masarap iyong mga friends mo binabati ka. Iyong family mo proud sa iyo, and of course, happy ako na makakatulong na ako in promoting the tourist spots in Puerto Princesa.

Ruth: Siyempre ang perks noon makaka-travel ka na sa ibang lugar.

Jonavie: Opo (smiles), makaka-travel na rin ako, marami na akong mapupuntahan na place na magaganda rin. Hindi ka na kailangang gumastos sa sarili mo.

Ruth: Iyong pag-aaral naman, ikaw ay 4th year college. What is your plan? What about the impressions of your classmates and teachers? Do you think they will give you importance?

Jonavie: I will continue my course, pero siguro hindi ako makakakuha muna ng full load na subjects. After po noon, dito pa rin ako sa Puerto Princesa magpra-practice. Pantay-pantay pa rin kami as students, of course.

Ruth: Ano ang masasabi mo na ikaw ang kauna-unahang taga-Puerto Princesa sa Palawan na nakakuha ng national crown? Gumawa ka ng history.

Jonavie: Sobrang blessed po talaga ako na ako nga iyong kauna-unahan. I’m so proud to bring honor to Puerto Princesa and the province. I am just so proud, I hope they’re also proud of me.