By M.V. Asuncion

Water Conservation Tips … Hindi pa Abril ngunit matindi na ang nararamdaman nating init. Marahil ay ito na ang isa sa epekto ng tinatawag na “climate change” na dulot ng global warming. Kaugnay nito, nararapat lamang na lahat tayo ay magkaisa upang maibsan ang dulot na epekto ng tag-init. Isa na rito ay ang pagtitipid sa paggamit ng tubig.

Narito ang ilang tips .

· Sa paghuhugas ng pinggan, gumamit ng palangganang maliit kung saan pagbabalanlawan ang pinagsabunang mga baso, pinggan, atbp. Huwag itapon ang pinagbanlawang tubig sapagkat maaari pa itong i-recycle na pambuhos sa toilet bowl at panglinis ng banyo.

· Maaari ding gumamit ka lamang ng isang baso sa isang araw, hindi yung palit-palit ng baso sa kada inom mo ng tubig.

· Maging pamilyar ka sa iyong water bill at sa kontador ng tubig upang madali para sa iyoang pag-monitor ng inyong water consumption at kung mayroon ding leaks.

· Ituro sa mga bata kung paano ang wastong pagsara sa gripo. Turuan din sila sa paraan ng pagtitipid ng tubig ang kahalagahaan nito.

· Para sa mga gumagamit ng showers, bilisan ang pagligo. Try to keep it in 5 minutes. Mas matagal ka sa paliligo, mas maaksaya sa tubig. Mag-switch sa ultra low-flow showerhead. Malaki ang matitipid nito sa tubig. Gumagamit ng 12-20 gallons ng tubig kada 5-minute shower.

· Kung may flush ang toilets, maglagay ng plastic bottle na may lamang tubig o buhangin sa loob ng toilet tank upang makabawas sa tubig sa kada flush ng toilet.

· Patayin ang gripo habang nagsisipilyo at nagsasabon ng kamay.

· Gumamit ng balde o timba sa paglilinis ng sasakyan – kotse, motor o tricycle.

· Huwag itapon sa drain o diretso sa lupa ang motor oil, pintura, pesticide, insecticide, at iba pang lason sapagkat maaari nitong ma-pollute ang underground water resources.

· I-recycle ang tubig na ginamit sa panglaba o washing machine. Maaari pang magamit ang recycled water sa pandilig halaman, panglinis ng banyo, at pang-mop sa sahig.

Ilang facts sa water usage: ang average daily water consumption ng isang tao = 40-70 gallons. Toilet flushing – 5 gallons used; Shower (water running) – 7 gallons/minute; washing/laundry machine – 40-60 gallons; dish washing by hand – 20 gallons tap running.

Ang pagtitipid sa tubig ay tulad din ng iba pa nating kaugalian – mas madalas gawin, mas nagiging natural na aksyon na lamang. Nakasalalay sa ating lahat ang tipirin ang pinakamahalagang yaman ng mundong ito.

Maging water-wise! Saan ka man magpunta, i-praktis ang iyong water-consciousness. What works at home, works at the office!

Advertisements